top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P51 bilyong pondo sa Bayanihan 2, lalarga na, mga tulo-laway bantayan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 29, 2020
1 min read

@Editorial | October 29, 2020



Dalawang buwan bago mag-expire ang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2), binigyan na ng awtorisasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Budget Secretary Wendel Avisado na ilabas na ang P51 bilyong pondo.


Ito ay matapos punahin ng mga senador na hindi pa naire-release ang pondo sa Bayanihan 2 sa sektor ng agrikultura, turismo at paggawa.


Kabilang sa mga inaprubahan at nai-release na umano ay ang P100 milyong pondo para sa Department of Trade and Industry para sa shared service facilities para sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa program, P5 bilyong augmentation fund ng National Disaster Risk Reduction and – Management Framework (NDRRMF) fund, P8 bilyong Camp Tupad program ng Department of Labor and Employment, P6B ng Department of Social Welfare and Development para sa assistance for individuals in crisis situation and sustainable livelihood program, P11.63B ng Department of Agriculture para sa Plant, Plant, Plant program, P20.575B para sa health-related responses ng Department of Health at P500-M para sa local government support.


Nangangahulugan ito na tuloy ang pagbangon ng bansa mula sa pandemya bagama’t, sinasabayan naman ito ng sunud-sunod na bagyo.


Ang mahalaga, nariyan na ang pondo, ang kailangan na lang gawin ay ang gamitin ito nang maayos at hindi mawala na parang bula.


Lalo’t nagbabala na ang Pangulo na lahat ng nasa gobyerno ay bantay-sarado sa korupsiyon at ‘yan ang aabangan ng taumbayan.


Mahirap nga naman na bilyun-bilyon ang pondong inilabas pero, may mga nakabantay-salakay naman na tulo-laway, mahiya naman kayo!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page