P50-K modules sa Cebu, binaha
- BULGAR

- Oct 7, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | October 7, 2020

Tinatayang aabot sa P50,000 halaga ng printed learning modules para sa 800 estudyante ang nasira dahil sa baha sa Mandaue City, Cebu, ayon sa Department of Education (DepEd) ngayong Miyerkules.
Ayon kay DepEd Region 7 Director Salustiano Jimenez, 500 pamilya ang lubos na naapektuhan ng pagbaha sa Barangay Paknaan kung saan naninirahan ang 32 estudyante na nawalan ng learning modules.
Ngunit, umabot sa 800 estudyante ang naapektuhan dahil umabot pa sa ilang kalapit-barangay ang bahang dinulot ng malakas na pag-ulan.
Sa isang panayam, sinabi ng Public Information officer ng DepEd Mandaue na si Edgar Espina, nabasa ang mga learning modules sa baha at nasira kaya agad nitong sinabihan ang division ng Mandaue na mag-print muli.
Dagdag ni Espina, ang mga naapektuhang estudyante ay mula sa grade school at high school. Sinabi rin nito na 80% sa kanilang lugar ang gumagamit ng modular system.
Napag-alamang flood prone area ang Bgy. Paknaan kaya naman ginagawan na ito ng paraan upang hindi na maulit ang insidente.








Comments