Search
  • BULGAR

P5-M puslit na paputok, naipasa na ng BOC sa PNP-FEO

ni Lolet Abania | August 1, 2020




Nai-turn over na ng Bureau of Customs (BOC) sa Philippine National Police-Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) ang mga puslit na imported na paputok na nagkakahalaga ng P5 million, na nakumpiska ng naturang ahensiya.


Ayon sa report ng BOC, nakalagay ang iba’t ibang paputok, na ipinasok sa bansa, sa isang 40-footer na container na tinangkang ipalusot sa Port of Manila nang makumpiska ng mga kawani ng ahensiya.


Gayundin, naka-consigned umano ito sa Wealth Lotus Empire Corporation at idineklara bilang lalagyan ng plastik.


Lumabag sa Republic Act 7183 o ang “An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices” at Section 1113 (f) ng Republic Act 10863 o ang “CMTA (Property subject to Seizure and Forfeiture)” ang naturang consignee.


Inihahanda na ng ahensiya ang isasampang kaso laban sa consignee ng nakumpiskang mga imported na paputok.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.