top of page

P5 M ang gown, P5 M din ang regalong kotse sa mister… KASALANG ZEINAB-RAY PARKS, UMABOT DAW SA P30 M

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 12
  • 5 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 12, 20255



Photo: Zeinab Harake at Ray Parks - YT

 

Hot at trending topic sa social media ang katatapos na kasal ng sikat na content creator na si Zeinab Harake at ng basketball player na si Ray Parks, Jr. na ginanap sa Aquila Crystal Palace sa Tagaytay noong June 1, 2025.


Maraming netizens ang amazed na amazed at inggit much sa napaka-lavish na kasal nina Zeinab at Ray na tinalo pa raw ang ilang sikat na showbiz celebrities natin.


Kaya naman, kani-kanyang komento at espekulasyon ang maraming netizens (lalo na ang mga Marites) at bawat detalye ay pinepresyuhan dahil gusto nilang malaman kung magkano inabot ang gastos sa napaka-engrandeng kasal na waring isang prinsesa si Zeinab.


Well, bagama’t walang figures na inilabas ang bagong kasal, hinuhulaan ng mga netizens na nasa P20 to P30 million ang naging expenses dahil wedding gown pa lang ni Zeinab na gawa ng sikat na Filipino fashion designer na si Michael Cinco ay P5M na, habang around P1 M naman daw ang black suit ni Ray.


Ang napakasosyal, elegante at mala-kaharian namang venue ay nasa P700 K na raw, habang nasa P10 K naman ang per head ng catering para sa 150 guests.


Nandiyan pa ang mga bonggang giveaways-souvenirs para sa mga bridesmaids at groomsmen, ninong at ninang at ganu’n din sa mga guests na dumalo.

Iba pa siyempre ang bayad sa wedding organizer, makeup artist at stylist, photo and video, etc., etc..


At ang regalo ng bagong kasal sa isa’t isa — Toyota Land Cruiser para kay Ray worth P5.7M at Hermes Mini Kelly bag kay Zeinab na more than P2 M naman ang halaga.


Ang nakakalokah, nagsisimula pa lang ng pamilya sina Zeinab at Ray Parks, ginagawan na agad ng intriga ng mga sobrang advanced mag-isip.


May mga netizens ang nagsasabing si Zeinab ang mas malaki ang ginastos sa kasal dahil sa lakas nitong kumita bilang content creator.


Buti na lang at may nagtanggol kay Ray Parks at sinabing mas malaki pa rin ang kita ng basketbolista kaya kering-keri nitong bigyan ng engrandeng wedding si Zeinab.


Pero may netizen din ang nag-warning na sana raw ay may prenup sina Zeinab at Ray dahil napanood daw niya minsan sa vlog ng content creator na sinorpresa ito ng dyowang basketball player at ipinag-shopping sa mall, pero ang ending, credit card din daw pala ni Zeinab ang ginamit.


Kaya sabi pa nito, red flag daw si Ray at ‘wag puro puso ang pairalin ni Zeinab.

Samantala, marami ring naghanap sa nanay ni Zeinab na hindi nila namataan sa kasal.


Kasunod nito, may mga nakapansin na may mga cryptic posts si Mrs. Mariafe Ocampo sa social media na tila patungkol sa “respeto, inner peace at emotional distance”.


At habang wala pang pahayag sina Zeinab at Ray kung bakit wala ru’n ang nanay ng content creator, may mga balitang lumabas na may issue raw sa pagitan ng mag-ina dahil toxic at nalululong diumano sa sugal si Mrs. Ocampo, kaya ‘di na raw ito inimbitahan sa kasal.


Well, tiyak na nasa cloud 9 pa sa ngayon ang newlyweds kaya hayaan muna natin silang i-enjoy ang kanilang moment together.


Sure naman kami na kahit ano pang sabihin ng mga inggiterang froglets tungkol sa kanilang kasal ay ‘di na magma-matter dahil ang mas mahalaga ay ang buhay na sisimulan nila kapiling ang isa’t isa.



SA kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood na sa buong mundo ang 8th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice, mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).


Ito'y sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng The EDDYS at SPEEd sa iWantTFC ng ABS-CBN.  


Nakatakda ang awards night sa darating na July 20, 2025 at itatanghal sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City. Habang sabay-sabay na ipapalabas ang kabuuan ng ika-8 edisyon ng The EDDYS sa iWantTFC, Kapamilya Channel, at Jeepney TV ng ABS-CBN sa July 27.                           


Ang partnership ay pormal na ginanap sa ABS-CBN headquarters sa Quezon City, na dinaluhan nina Kane Errol Choa, ABS-CBN vice-president for Corporate Communications, at Ralph Menorca, head of ABS-CBN Programming and On-Air Operations.              


"Ang collaboration na ito ay isang milestone para sa EDDYS," sabi ni Salve Asis, presidente ng SPEEd.     


“Sa global presence ng ABS-CBN, tiwala kami na mas maraming tao, lalo na ang Filipino community sa buong mundo, ang makakasaksi kung paano namin kinikilala at binibigyang-importansiya at pagkilala ang mga haligi at icons ng Philippine cinema, gayundin ang mga taong nagpapanatili sa industriyang ito na umunlad," dagdag na pahayag pa niya.     

Ang collaboration na ito ay parang “pag-uwi” na rin ng The EDDYS, dahil ang ABS-CBN ang kauna-unahang media partner sa inaugural edition ng film awards show noong 2017.                 


Ang taunang pagbibigay-parangal ng The EDDYS, mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas, ay bahagi ng pagkilala at pagpapahalaga ng SPEEd sa mga pelikula, artista at iba pang personalidad na itinuturing na pinakamagagaling sa Philippine Cinema.      


May 14 acting at technical awards na ipamimigay sa 8th EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.  


Bukod sa pagkilala sa mga natatanging pelikula nitong nagdaang taon, magiging highlight din ng pinakaaabangang awards night ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing na mga haligi ng movie industry.                        


Sila ang mga artista, direktor at iba pang personalidad na hindi matatawaran ang kontribusyon, dedikasyon at pagmamahal sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng mahabang panahon.                        


Ang ilan pa sa mga special awards na ipamamahagi ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang-sawang tumutulong at nagbibigay-inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), at ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).  


Bukod dito, kikilalanin din sa gabi ng parangal ang Producer of the Year.

Muli ring pararangalan ng SPEEd ang mga naging bahagi at lumaban para sa patuloy na pagbangon ng Philippine movie industry sa ikalawang taon nito – ang The EDDYS Box Office Heroes.  


Abangan ang iba pang mga detalye sa inaabangan nang 8th The EDDYS mula sa SPEEd ngayong darating na Hulyo.


Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheets, top tabloid newspapers at online portals sa Pilipinas sa pamumuno ng presidente nitong si Salve Asis.

 

Para sa karagdagang detalye, maaaring i-follow ang official Facebook page ng The Eddys (The Entertainment Editors Choice). 




Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page