top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P5.2T budget ng gobyerno, malaki na, kinapos pa? ‘anyare?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 28, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 28, 2023


SAAN NAPUNTA ANG KINAPOS NA PONDONG PERA NG BAYAN? -- Inanunsyo ng Bureau of Treasury (BOT) na nitong nakalipas na September 2023 ay kinapos ng higit P250.9 billion ang pondo ng pamahalaan.


Ganu’n? Pambihira naman, kasi ang laki ng national budget ng Marcos administration ngayong year 2023. Ito ay higit P5.2 trillion, tapos kinapos pa, eh wala naman tayong nakikitang mga proyektong naisasagawa ng Marcos admin.


Kaya’t ang tanong, saan napunta ang kinapos na pera ng bayan? Boom!


◘◘◘


GOOD SA MGA BATANG MAG-AARAL ANG NAISIP NI VP, DEPED SEC. SARA NA LAGYAN NG WIFI LAHAT NG PUBLIC SCHOOL SA ‘PINAS -- Nais ni Vice President, Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio na lagyan ng WiFi ang lahat ng public school sa bansa.


Mainam ‘yang naisip ni VP Sara, at sa lahat ng mga naging DepEd secretary ay siya lang ang nakaisip n’yan para sa kapakanan ng mga batang mag-aaral sa elementarya at high school, palapakpakan naman d’yan!

◘◘◘


KAPAG GUILTY ANG HATOL KAY GARIN, IIYAK ‘YAN -- Sabi ni former Health secretary, at ngayo’y Iloilo 1st Dist. Rep. Janette Garin ay mainam daw na sinampahan na siya ng Ombudsman ng criminal and graft cases sa Sandiganbayan kaugnay sa isyu ng ilegal na pagbili ng Dengvaxia vaccines para raw matapos na ang isyu at malinis ang kanyang pangalan.


Talagang palakas-loob pa si Garin, pero kapag guilty ang naging hatol sa kanya ng Sandiganbayan, iiyak ‘yan, boom!

◘◘◘


NAGPALABAS NA NG MENSAHENG SUPORTA SA ‘PINAS SI BIDEN KAYA’T DAPAT HINGIN NA NG ‘PINAS ANG TULONG NG U.S. PARA MATIGIL NA ANG PAMBU-BULLY NG CHINA -- Nagpalabas ng statement si President of the United States (POTUS) Joe Biden na ipagtanggol ang Pilipinas sa anumang bansang mananakop dito.


Para sa kaalaman ng publiko, hindi aaksyon ang U.S. laban sa pambu-bully ng China hangga’t hindi humihingi ng tulong ang ‘Pinas.


Kaya’t panahon na talagang hingin ng ‘Pinas ang tulong ng U.S. para matigil na ang pambu-bully ng China sa Philippine Coast Guard (PCG) at sa mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea (WPS), period!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page