top of page
Search
  • BULGAR

P5.024-T budget para sa 2022, ngayong araw pipirmahan

ni Mylene Alfonso | December 30, 2021







Nakatakdang lagdaan ngayong araw, Disyembre 30, ni Pangulong Rodrigo Duterte ang

proposed P5.024-trillion General Appropriations Act (GAA) para sa taong 2022.


Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles alinsunod na rin sa una nang ipinangako ng Palasyo na hindi matatapos ang taong kasalukuyan nang hindi napipirmahan ng Pangulo ang pambansang pondo.


“Inaasahan natin na tomorrow, naka-schedule po ang pagpirma ni Pangulong

Rodrigo Roa Duterte ng 2022 General Appropriations Law,” ani Nograles.


“As promised, the President will sign this very important measure na hindi pa sasapit ang Dec. 31,” sabi pa ni Nograles.


Matatandaang binigyang-diin ng Palasyo, na malaking papel ang gagampanan ng 2022 budget sa nagpapatuloy na pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.


Sa pinal na bersyong ipinasa ng Kongreso, P50 bilyon dito ang inilaan para sa COVID-19 vaccines, habang P22.99 bilyon naman para sa pagpapaigting ng health facilities.


Una na ring tiniyak ng kalihim, na pinag-aralang mabuti at dumaan sa proseso ang badyet bago lagdaan ng Punong Ehekutibo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page