P46 na per kilo ng bigas kaya ‘wag nang umasang magiging P20 per kilo ng bigas sa ‘Pinas
- BULGAR
- Aug 15, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 15, 2023
SINA EX-P-DUTERTE AT HARRY ROQUE KAYA PINATATAMAAN NG COAST GUARD SPOKESMAN NA MGA TRAYDOR NA PINOY? -- Sinabihan ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Commodore Jay Tarriela na traydor sa Pilipinas ang mga Pilipinong kumikiling sa China sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).
Sina ex-P-Duterte at former Presidential spokesman Harry Roque kaya ang pinatatamaan ni Commodore Tarriela kasi noong nasa power pa ang dalawang opisyal na ito ay lantaran ang pagkiling nila sa China? Boom!
◘◘◘
SA 48 BANSA SA ASYA, ‘PINAS RANK 8 SA WORST AIRPORT -- Base sa inilabas na data ng Casago airlinequality.com website, sa 48 bansa sa Asia, ay rank number 8 raw ang Pilipinas sa worst airport sa Asya.
Patunay ‘yan na fake news lang ang ikinakalat sa social media ng Marcos loyalists at DDS Duterte Diehard Supporters (DDS) na gumanda raw ang airport sa ilalim ng nakaraang Duterte administration at kasalukuyang Marcos admin, period!
◘◘◘
PRESYO NG BIGAS SA PANAHON NG MARCOS ADMIN HINDI BUMABABA AT SA HALIP PATAAS NANG PATAAS -- Last year, ang pinakamababang presyo ng per kilo ng bigas ay P38, nitong nakalipas na Marso 2023 ay nagtaas ng P2 per kilo kaya ang naging pinakamababang presyo per kilo ng bigas ay P40, at ngayong buwan ng Agosto 2023 ay P6 na itinaas ng per kilo kaya ang pinakamababang presyo ng per kilo ng bigas ngayon ay P46 na.
Kaya ‘yung mga loyalista at DDS na umaasa na magiging P20 per kilo ng bigas tulad ng ipinangako ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) noong presidential campaign period ay huwag na nilang asahan ‘yan kasi ang presyo ng bigas ngayon sa panahon ng Marcos admin ay hindi bumababa, at sa halip ay patuloy na tumataas, tsk!
◘◘◘
KUNG HINDI LULUBAYAN NG KAKAHINGI NG CONFIDENTIAL FUND, DAPAT ANG DEPED NA PINAMUMUNUAN NI VP SARA PANGALANAN NA NG DEPT. OF SURVEILLANCE -- Sa mga naging kalihim ng Dept. of Education (DepEd) ay si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio lang ang nanghihingi ng P150 million confidential fund kasi need daw niya ang pondong ito para pang-surveillance.
Dahil d’yan, sinabi ni ACT Teacher partylist Rep. France Castro na kung hindi lulubayan ni VP Sara ang panghihingi ng confidential fund para sa kanyang tanggapan sa DepEd ay dapat Department of Surveillance na ang itawag sa tanggapan nito at hindi na Department of Education, boom!





Comments