top of page
Andrea Brillantes - IGjpg.jpg

P459B kuwestyunableng DPWH projects, tutukan

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | November 4, 2026



Editoryal, Editorial


Nakaaalarma ang pag-flag ng Commission on Audit (COA) sa P459 bilyong halaga ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa mga kuwestiyon sa financial capacity ng mga kontratistang pinagkalooban ng kontrata.


Paano nakakuha ng bilyun-bilyong pisong proyekto ang mga kontratistang hindi sapat ang dokumentong nagpapatunay ng kanilang kakayahang pinansyal? 


Sino ang nagsuri at nag-apruba sa mga kontratang ito?


Hindi sapat na basta ma-award ang proyekto. Dapat tiyaking may kakayahan ang kontratistang tapusin ito nang maayos, nasa oras, at hindi nasasayang ang pera ng bayan.


Bagama't hindi awtomatikong nangangahulugan ng korupsiyon ang mga natuklasan ng COA, nararapat itong imbestigahan at ipaliwanag ng DPWH.


Sa P459 bilyong pondong nakataya, hindi sapat ang paliwanag lamang. Kailangang may transparency, masusing imbestigasyon, at pananagutan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page