P4 rollback sa diesel, P.75 gasoline
- BULGAR

- 9 hours ago
- 1 min read
by Jeff Tumbado @News | August 29, 2026

Photo: DILG Sec. Jonvic Remulla- PNP
Posibleng makaranas ng pansamantalang ginhawa ang mga motorista dahil sa inaasahang pagbaba sa presyo ng krudo sa susunod na linggo.
Ayon kay Jetti Petroleum’s Leo Bellas, maaaring bumaba ng P3.50 hanggang P4 kada litro ang presyo ng diesel batay sa unang apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at sa galaw ng foreign exchange market.
Samantala, inaasahang maglalaro naman sa 25 hanggang 75 sentimos kada litro ang posibleng rollback sa gasoline.





Comments