P3M pabuya sa makapagtuturo kay ASG leader Mundi Sawadjaan at 2 iba pa
- BULGAR

- Aug 30, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 30, 2020

Magbibigay ang gobyerno ng P3 million pabuya sa makapagtuturo upang maaresto si Abu Sayyaf Group (ASG) leader Mundi Sawadjaan at dalawang iba pang miyembro, ayon kay Zamboanga City Mayor Beng Climaco.
Ayon kay Climaco, bukod kay Sawadjaan, at dalawang suspek na parehong Indonesian, sila ay, “sent out for a mission to sow terror in Zamboanga Peninsula.”
Posibleng ang dalawang Indonesian, ay pawang menor-de-edad o may gulang na 22 at 25-anyos, ayon sa Facebook post ni Climaco.
“The national government is offering a reward of P3M for the information that could lead to the arrest and conviction of each of the suspects,” sabi ni Climaco.
Sa report ng awtoridad, lalaki ang isa sa Indonesian, tinatayang nasa edad 17-25, balingkinitan at may taas na 5’5. Babae naman ang isa pang Indonesian, na nasa 17-22-anyos.
Gayundin, idineklara ng Philippine Army na si ASG Mundi Sawadjaan ang mastermind sa twin bombing sa Jolo, Sulu noong Lunes, August 24, na nag-iwan ng 15 nasawi at mahigit sa 70 sugatan.
Paghihiganti sa pagkamatay ni ISIS emir Hatib Hajan Sawadjaan, ang isa sa nakikitang anggulo ng military, ayon kay Western Mindanao Command (WestMinCom) chief Maj/Gen. Corleto Vinluan Jr.
Samantala, si Hatib ay tiyuhin ni Mundi Sawadjaan. Ayon sa iba pang report, itinuturo ang tatlong suspek sa naganap na twin bombings.








Comments