top of page
Search

ni Thea Janica Teh | August 31, 2020


ree

Binisita nitong Linggo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinangyarihan ng pagsabog sa Jolo, Sulu para parangalan ang mga namatay na sundalo at magbigay ng pakikiramay sa pamilyang naiwan.


Habang suot ang face mask at cap, lumuhod si Pangulong Duterte at hinalikan ang sahig kung saan nangyari ang pagsabog. Naglagay din ito ng bulaklak at nagtirik ng kandila.


Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Duterte na ang ginawa niyang ‘yun ay para sa mga sundalo at sibilyang naging biktima sa pagsabog nang walang kalaban-laban.


Aniya, "This unfortunate incident is only one of the countless incidents that proved that we should never be complacent when it comes to terrorism. The recent bombings that took the lives of several civilians including those of your fellow soldiers will only further strengthen our resolve to crush the lawless elements behind this cowardly act.”


Ang pagsabog sa Jolo, Sulu ang pumatay sa 15 sundalo. Una nang kinilala ang dalawang suspek sa pagsabog at ito ay isang Indonesian widow ng 2019 Filipino suicide bomber at asawa ng Abu Sayyaf leader.

 
 

ni Lolet Abania | August 30, 2020


ree


Magbibigay ang gobyerno ng P3 million pabuya sa makapagtuturo upang maaresto si Abu Sayyaf Group (ASG) leader Mundi Sawadjaan at dalawang iba pang miyembro, ayon kay Zamboanga City Mayor Beng Climaco.


Ayon kay Climaco, bukod kay Sawadjaan, at dalawang suspek na parehong Indonesian, sila ay, “sent out for a mission to sow terror in Zamboanga Peninsula.”


Posibleng ang dalawang Indonesian, ay pawang menor-de-edad o may gulang na 22 at 25-anyos, ayon sa Facebook post ni Climaco.


“The national government is offering a reward of P3M for the information that could lead to the arrest and conviction of each of the suspects,” sabi ni Climaco.


Sa report ng awtoridad, lalaki ang isa sa Indonesian, tinatayang nasa edad 17-25, balingkinitan at may taas na 5’5. Babae naman ang isa pang Indonesian, na nasa 17-22-anyos.


Gayundin, idineklara ng Philippine Army na si ASG Mundi Sawadjaan ang mastermind sa twin bombing sa Jolo, Sulu noong Lunes, August 24, na nag-iwan ng 15 nasawi at mahigit sa 70 sugatan.


Paghihiganti sa pagkamatay ni ISIS emir Hatib Hajan Sawadjaan, ang isa sa nakikitang anggulo ng military, ayon kay Western Mindanao Command (WestMinCom) chief Maj/Gen. Corleto Vinluan Jr.


Samantala, si Hatib ay tiyuhin ni Mundi Sawadjaan. Ayon sa iba pang report, itinuturo ang tatlong suspek sa naganap na twin bombings.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page