P366.6M Lotto jackpot, nasolo ng taga-Nueva Ecija
- BULGAR

- Jul 2, 2023
- 1 min read
ni Mai Ancheta | July 2, 2023

Instant milyonaryo ang isang mananaya mula sa Nueva Ecija matapos matsambahan ang P366.6 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 nitong Biyernes ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), napanalunan ng iisang tao ang premyo ng 6/58 lotto draw na may winning combination na 43-58-37-47-27-17.
Sinabi ng PCSO na sa Bgy. San Roque, Cabiao, Nueva Ecija tumaya ang mapalad na winner.
Ilang linggo ring pinilahan ng mga mananaya ang Ultra Lotto matapos umakyat ng hanggang mahigit P300 milyon ang premyo sa pagbakasakaling masungkit ang napakalaking premyo.





Comments