ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 26, 2024
Inihirit ng House of Representatives ang pagtaas ng daily minimun wage para sa mga manggagawa sa pribadong sektor na mas mataas kaysa sa inirerekomendang P100 na iminungkahi ng Senado.
Isang panukalang batas ang naglalayon ng P350 na dagdag-sahod.
Sinabi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na naniniwala sila na maaaring hindi sapat ang inirerekomendang pagtaas ng Senado upang suportahan ang mga manggagawa dahil sa kalagayan ng pagtaas ng presyo at pagbaba ng kakayahan sa pagbili.
“Our workers are enduring tough times, and as their representatives, it is imperative that we find substantial solutions to alleviate their financial burdens,” ani Dalipe.
Binanggit niya na sa Miyerkules, irerebyu ng House Committee on Labor and Employment ang iba't ibang mga panukalang naglalayong itaas ang sahod, kabilang ang isang draft ni Deputy Speaker at Trade Union Congress of the Philippines Party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza, na nagmumungkahi ng P150 na pambansang pagtaas ng sahod.
“The urgency of these discussions highlights the House’s dedication to timely and impactful legislative action,” pagbibigay-diin ni Dalipe.
Comments