Ipagdasal natin na ang mga nakakaalam ng katotohanan ay magkaroon ng lakas ng loob — Rep. Leviste
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
by Info @NEWS | January 19, 2026

Photo: File / Leandro Legarda Leviste - FB
“Ipagdasal natin na ang mga nakakaalam ng katotohanan ay magkaroon ng lakas ng loob na magsalita at nawa’y maproteksyunan sila.”
Ito ang naging dasal ni Batangas City 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste kasabay ng kanyang patuloy na pagbunyag sa mga umano’y ebidensya sa maanomalyang flood control projects sa bansa at sa mga kinakaharap na isyu sa kanyang negosyo na Solar Philippines.
Kamakailan lamang ng maging usap-usapan ang hindi umano natupad na pangako ng Solar Philippines sa Department of Energy (DOE) dahilan upang pagmultahin siya.
Nasangkot din si Leviste sa maanomalyang flood control project matapos ibigay umano sa kanya ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Maria Catalina Cabral ang ilang ebidensya raw o tinatawag ngayon na ‘Cabral files’.








Comments