Francis Leo Marcos, guilty sa indirect contempt — SC
- BULGAR

- 2 minutes ago
- 1 min read
by Info @News | January 19, 2026

Photo: File / Circulated
Hinatulang guilty sa indirect contempt ng Korte Suprema ang online personality at dating senatorial aspirant na si Francis Leo Marcos.
Bunsod ito sa umano’y pag-abuso ni Marcos sa proseso ng Korte Suprema nang bawiin nito ang kanyang kandidatura sa pagka-senador noong 2025 elections, ilang araw matapos maglabas ng temporary restraining order (TRO) kaugnay ng hiling niyang pigilan ang Commission on Elections (Comelec) sa pagdedeklara sa kanya bilang isang nuisance candidate.
Kaugnay nito, pinagmumulta si Marcos ng P30,000.
“Any act of disrespect towards the Judiciary strikes at the heart of its authority and undermines the very foundation of trust upon which our legal system stands," ayon sa Korte Suprema.
Bukod dito, isinantabi rin ng korte ang petisyon ni Marcos na kumukuwestiyon sa desisyon ng Comelec na nagdeklara sa kanya bilang nuisance candidate dahil ito umano ay wala nang saysay o moot na.
Binawi rin nila ang TRO na nauna nitong inilabas laban sa poll body.








Comments