top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

P31-B para sa disaster management fund, gamitin nang tama!

BULGAR
Nov 6, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | November 6, 2022


Upang mapalakas ang kahandaan at mapabilis ang pagresponde tuwing may kalamidad, itinaas ng Department of Budget and Management (DBM) ang proposed 2023 budget par sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF).


Mula sa P20 bilyon ngayong taon, nagdagdag ng P11 bilyon para sa NDRRMF, na dahilan para maging P31 bilyon ito.


Ayon sa DBM, ang pagtaas ng budget ay kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na gawing proactive ang ekonomiya, gayundin ang pagpapalakas ng kapasidad ng bansa na mamahala tuwing may kalamidad.


Bagama’t naninindigan ang DBM na hindi sa lahat ng pagkakataon ay natitiyak ang frequency, magnitude at impact ng isang kalamidad, naniniwala ito na mahalaga ang kahandaan sa lahat ng oras.


Samantala, mayroon pa umanong natitirang P6.8 bilyon ang NDRRMF ngayong taon, na puwedeng magamit ng ibang ahensya upang matugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta.


Sa mga nakalipas na buwan, sunud-sunod na kalamidad ang hinarap ng ating mga kababayan.


Mula sa lindol, bagyo, baha, gayundin ang patuloy na pananalasa ng pandemya, hanggang ngayon ay ramdam at kitang-kita ang mga pinsala.


Gayunman, natutunan natin ang kahandaan at kung may sapat na pondo, mas mabilis na matutugunan ang pangangailangan ng mga kababayan nating naapektuhan.


Kung tutuusin, malaki-laking budget ang inilaan para sa pagresponde sa mga kalamidad. Kaya sa oras na maaprubahan ang proposed budget para sa susunod na taon, hiling nating makarating ito sa mga dapat kalagyan upang mapakinabangan ng mga dapat matulungan.


Naniniwala tayong may kakayahan ang mga ahensya na magamit nang tama ang naturang pondo.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page