P30M ayuda sa mga biktima ni 'Odette'
ni Jeff Tumbado | December 24, 2021

Tinatayang aabot sa P30 milyong halaga bilang financial aid ang inilaan ng pamahalaang lungsod ng Quezon sa mga apektadong residente sa iba’t ibang lugar
sa Central Visayas na labis na naapektuhan ng Bagyong Odette.
Sa ipinasang resolusyon ng Quezon City Council, binigyang awtorisasyon si Mayor Joy Belmonte para ibahagi ang naturang halaga ng pera sa mga nasalanta ng bagyo.
Ang P10 milyon ay donasyon sa probinsya ng Bohol habang ang nalalabing P10 milyon ay ibabahagi naman sa mga bayan ng Bais, Manjuyod, Bindoy, Ayungon, Tayasan, Jimalalud, La Libertad at Vallehermoso sa Negros Oriental, Ronda at Dumanjug sa lalawigan ng Cebu.
Nitong Lunes, Disyembre 20, 2021 ay una nang namahagi ang Quezon City government ng halagang P10 milyon para sa sampung lugar sa Southern Leyte at ito ay ang Anahawan, Hinundayan, Libagon, Padre Burgos, Pintuyan, San Francisco, San Juan, San Ricardo, Tomas Oppus, at Limasawa.





Comments