P3.80 rollback sa diesel, kerosene, P.30 gasoline
- BULGAR

- 21 hours ago
- 1 min read
by Mervin Reyes @News | September 1, 2026

Photo: File
Magkakaroon ng rollback sa presyo ng petrolyo simula ngayong Martes, Setyembre 1.
Batay sa magkahiwalay na abiso ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp., ipatutupad ang bawas-presyo alas-6 ng umaga.
Sa Seaoil, P0.32 kada litro ang ibabawas sa gasolina, P3.83 sa diesel at P3.84 sa kerosene.
Samantala, P0.30 kada litro ang rollback sa gasolina ng Shell, habang P3.80 ang bawas sa diesel at kerosene.
Ang rollback ay kasunod ng dalawang sunod na linggo ng pagtaas ng presyo.





Comments