PhotoFilFini Angela Fernando - Trainee @News | November 13, 2023
Nagbaba ng P3.7-milyong pabuya ngayong Nobyembre 13 para sa pag-aresto sa mga pumatay kay Juan Jumalon sa Calamba, Misamis Occidental.
Ayon sa Mindanao Independent Press Council (MIPC), nagbigay ang opisina ni Governor Henry Oaminal Sr. ng pabuya na umabot sa P500K nu'ng Nobyembre 10 at nagbaba rin ng P3-milyong pabuya sa mga opisyal ng law enforcement kapag matagumpay nilang naaresto ang mga salarin sa nangyaring krimen.
Nagbigay din ang Presidential Anti-Organized Crime Commission at Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ng tig-P100K bilang kanilang kontribusyon.
Matatandaang binaril si Jumalon sa loob ng kanyang tahanan habang nagpoprograma nang live sa kanyang radio show nu'ng Nov. 5.
Comments