P2M pekeng vape products, nasabat
- BULGAR

- Jun 14
- 1 min read
ni Janice Baricuatro @News | June 14, 2026

Photo: Criminal Investigation and Detection Group
Tinatayang aabot sa dalawang milyong piso ang halaga ng pekeng vape products na nasabat sa operasyon ng pulisya sa Cavite kamakalawa.
Sa pagsalakay ng CIDG-Cavite at DTI sa isang establisimyento sa Brgy. Pasong Camachile 1, General Trias City, nakumpiska ang iba't ibang boxed vapor devices at disposable vapes na aabot sa P2 milyon na umano'y walang permit at kulang sa mga babala at sertipikasyon.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito.





Comments