P2K kada buwan sa may anak na PWD

ni BRT | February 4, 2023

Isinusulong ni Davao City Rep. Paolo Duterte at tatlo pang mambabatas ang panukala na magbibigay ng P2,000 buwanang ayuda sa magulang ng batang may kapansanan.
Sa panukalang Monthly Subsidy for Parents of Children with Disability Act (House Bill 6743), iginiit nina Duterte, Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Partylist Reps. Edvic Yap at Jeffrey Soriano ang kahalagahan na tulungan ang mga magulang na nahaharap sa mabigat na pagsubok dahil sa kapansanan ng kanilang anak.
Sa ilalim ng panukala, ang buwanang allowance ay manggagaling sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ibibigay sa biological parents o court-appointed guardians ng batang may kapansanan.
Ang ayuda ay awtomatikong maaalis kapag sumapit na sa edad 21 ang anak.





Comments