top of page
Search
  • BULGAR

P250-M service cars ng DepEd, dinepensahan ng Palasyo

ni Lolet Abania | October 26, 2020



Dinepensahan ng Malacañang ang Department of Education (DepEd) tungkol sa pagbili ng ahensiya sa mga bagong service vehicles na nagkakahalaga ng P250 M, kung saan ipinaliwanag nitong nakalaan na ang pondo para sa proyektong ito bago pa magkaroon ng pandemya ng COVID-19 sa bansa.


Ayon sa Mitsubishi Motors Philippines Corp. (MMPC), nai-deliver nila kamakailan ang 166 units ng Strada 4×4 MT sa DepEd sa San Fernando, Pampanga para magamit ng mga field engineers ng ahensiya sa isasagawang inspeksiyon sa mga lalawigan.


Gayunman, ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), dapat na mas binibigyang pansin ng DepEd ang matinding kakulangan sa basic learning needs at ang kalagayan ng mga guro na kinakailangan pang umakyat ng bundok o sumakay sa delikadong motorbikes para lamang makapagturo.


“Lahat po ng napo-procure sa taong ito, eh, matagal na po iyong nasa drawing board,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa news conference kanina. “Itong pagbili po ng transportasyon ng DepEd, 2016 pa po iyan na-identify na pangangailangan ng DepEd at ngayon lang po iyan nabili pero iyan po ay included sa 2019 budget.” Samantala, ang mga natanggap na units ng sasakyan ay kabilang sa inisyal na 88 trak na naibigay sa DepEd noong December 2019 na may kabuuang 254 units ng mga behikulong nai-deliver, ayon sa MMPC.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page