top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

P23-B COVID-19 Funds, nasaan at bakit hindi nagamit?

Writer: BULGAR
BULGAR
May 7, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | May 7, 2023


Kinuwestiyon ng isang mambabatas kung bakit hindi nagamit ng Department of Health (DOH) ang P23 bilyong pondo na inilaan para sa ahensya noong 2022.


Ang pondo ay dapat na mapupunta sa mga public health programs na kadalasang nauugnay sa mga kampanya laban sa COVID-19.


Sa pagdinig ng House committee on appropriations noong Huwebes, tinanong ni Marikina second district representative Stella Quimbo kung bakit may malaking “unobligated funds” ang DOH.


Ayon kay Quimbo, habang ang Special Allotment Release Order ng ahensya ay nagpakita ng obligasyon o usage rate na 87%, ang unobligated funds ay umabot pa rin sa P23 bilyon.


Itinuro niya ang ilang mga ‘weak links’ na nagtulak pababa sa obligation rates.


Sinabi niyang ang P4.6 bilyon sa P 7.9 bilyon na pondo para sa COVID-19 lab network commodities ay walang obligasyon, ito ay kumakatawan sa isang obligation rate na 41% lamang.


Gayunman, ipinaliwanag ni Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na karamihan sa mga unobligated funds ay inilaan upang makakuha ng mga item na kailangan sa mga COVID-19 tests. Aniya, “Around P4.2 billion would be allocated for commodities which are RT-PCR kits and antigen kits. Other funds were for health emergency hiring because we had to deploy personnel to laboratories for the conduct of these tests.”


Nang tanungin ni Quimbo kung bakit nabigo ang DOH na gumamit, pumayag sa bidding, at bumili ng mga test kits, naalala ni Vergeire na bumaba ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa panahong ‘yun.


Noong nagkaroon umano ng pagbaba ng bilang ng kaso, binago rin ang mga alituntunin, na dahilan ng pagbaba ng demand, at hindi nagamit nang lubusan ang mga procurement.


Kung ganito kalaking pondo ang hawak ng DOH, hindi ba dapat ay ginagamit nila ito ngayong nasa gitna pa rin tayo ng pandemya?


Napakaraming pagamutan ang mga kulang sa kagamitan, lalo na ang RT-PCR kits at antigen kits, ngunit hindi agad ito inaksyunan, bagkus ay itinago lang pala ang pondo.


Ngayong tumataas na naman ang bilang ng mga kaso ng COVID-19, umaksyon sana agad ang DOH para rito at gamitin ang pondong nakalaan para sa mga public health programs at kampanya laban sa COVID-19.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page