top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

P23.5M halaga ng ecstasy na itinago sa kape at laruan, nakumpiska sa Pasay City

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | August 10, 2020




Naharang ng Bureau of Customs (BOC) personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mahigit 13,000 ecstasy tablets na tinatayang nagkakahalaga ng P23,500,800 sa Pasay City kanina.


Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na pitong packages na naglalaman ng 13,824 ecstasy tablets ang nasabat sa warehouse ng Central Mail Exchange Center.


Ayon sa report, ipinadala sa 'Pinas ang kontrabando na nanggaling sa Netherlands at Belgium sa iba't ibang consignees doon, na idineklarang kape at laruang pambata.


Gayunman, nadiskubre ng mga Customs examiners ang sinasabing misdeclared packages nang magsagawa sila ng physical examination.


Ayon pa sa BOC, nagsagawa rin ng field tests ang Customs Anti-Illegal Drug Task Force at nakumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang nakumpiskang mga tableta ay methylenedioxymethamphetamine o mas kilala sa tawag na ecstasy.


Gayundin, ayon sa BOC ang “suspicious” o kahina-hinalang timbang ng mga packages at ang nadiskubreng modus operandi ng pagpupuslit ng ilegal na droga na inilalagay sa coffee beans mula sa ibang bansa noon July kaya minabuti ng mga Customs personnel na maging mas maingat sa pag-iinspeksyon sa pamamagitan ng mahigpit na document profilings at x-ray scanning.


Ibinigay na ng BOC ang mga nasabat na illegal drugs sa PDEA para sa profiling. Inihahanda na rin ang isasampang kaso sa prosecution laban sa importers nito at iba pang indibidwal na sangkot dahil sa paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 in relation to Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page