P20M kontrabando, nasabat... 1,337 sanigkot sa ilegal, arestado
- BULGAR

- 8 hours ago
- 1 min read
by Mervin Reyes @News | July 5, 2026

Photo: File / Poilice Regional Office 8
Aabot sa 1,337 lumabag sa batas ang naaresto at mahigit P20.7 milyong halaga ng kontrabando ang nakumpiska ng Police Regional Office 8 sa 1,260 law enforcement operations na isinagawa sa Eastern Visayas noong Hunyo.
Kabilang sa mga operasyon ng anti-illegal drug campaign, anti-insurgency efforts, mga wanted person, smuggling, paglabag sa environmental laws, ilegal na baril at ilegal na sugal.
Sa kampanya kontra-droga, 123 drug personalities ang naaresto at nasamsam ang mahigit 1.6 kilo ng hinihinalang shabu at marijuana na may tinatayang P11.19 milyon.
Nadakip din ang 509 wanted persons, kabilang ang 75 most wanted, habang 18 hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko at walong baril at limang pampasabog ang narekober.
Sa pagpapatupad ng environmental laws, 436 katao ang nahuli sa ilegal na pangingisda at 24 naman sa ilegal na pagtotroso. Nakumpiska rin ang mga kagamitan sa pangingisda, mga iligal na troso, at huling isda na nagkakahalaga ng mahigit P9.3 milyon.
Samantala, 213 baril ang nakumpiska, naisuko o narekober sa 202 operasyon laban sa loose firearms, habang 243 katao ang naaresto sa 90 operasyon kontra ilegal na sugal.
Ayon kay PRO-8 Regional Director Brig. Gen. Jason Capoy, patuloy na paiigtingin ang operasyon upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas.





Comments