top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

P1M halaga ng ilegal na kahoy nasabat sa Butuan City

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2022
1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | March 6, 2022



Naaresto ang isang lalaki matapos mahulihan ng umano’y P1 milyon halaga ng ilegal na kahoy sa Butuan City nitong Sabado.


Ayon kay Caraga police director Brig. Gen. Romeo Caramat Jr, nahuli ang 53-anyos na suspek sa Purok 1, Barangay Bading.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagsasagawa ng roving ang mga miyembro ng pulis nang mapansin ang lalaki na nagkakarga ng mga kahoy sa isang truck.


Nang lapitan umano ito ng mga pulis at hingan ng dokumento ay wala itong naipakita kaya’t agad itong itinawag sa Department of Environment and Natural Resources at noon din ay inaresto ang suspek.


Ayon sa DENR, aabot sa 20,000 board feet ang mga nakumpiskang mixed dipterocarp flitches na nagkakahalaga ng P1 milyon.


Sa ngayon, nasa kustodiya ng Butuan City Police Station 2 ang suspek habang hinahanap pa ang isa niyang kasamahan na nakatakas sa operasyon.


Nakatakdang sampahan ang dalawang suspek ng kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page