P1K buwanang ayuda sa mangingisda

ni BRT | May 16, 2023

Inihain sa Kongreso ang isang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng monthly fuel subsidy ang mga municipal fisherfolks sa bansa.
Batay sa House Bill no. 8007 o Pantawid Pambangka Act of 2023 na inihain ni Agri Party Cong. Wilbert Lee, mabibigyan ng P1,000 ang bawat fisherfolk na nakapokus sa capture fishing, mapa-coastal man o inland.
Ang nasabing halaga ay magagamit ng mga mangingisda na pambili ng petrolyo.
Sa ilalim ng panukalang batas, DA ang mamamahala sa pamamahagi ng subsidiya para sa mga mangingisda.
Ang nasabing halaga ay maaari pang magbago kada taon, dipende sa magiging-evaluation ng DA.





Comments