top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

P1B tax evasion kay Guo — BIR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 12
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 11, 2026



Alice Guo - BJMP

Photo: File / BJMP



Naghain ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng reklamong tax evasion na nagkakahalaga ng P1 bilyon laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.


Sa ipinalabas na pahayag nitong Huwebes, pormal silang nagsampa ng kaso sa Department of Justice (DOJ).


Ayon sa BIR, nilabag ni Guo ang Section 254 ng National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997, na tumutukoy sa pagtatangkang pag-iwas sa buwis, gayundin ang Section 255 na may kinalaman sa hindi paghahain ng tax returns at hindi pagbabayad ng tamang buwis.


Ayon sa mga rekord ng BIR, hindi umano naghain si Guo ng taunang income tax returns sa loob ng limang magkakasunod na taon sa kabila ng pagkakaroon ng malalaking gastusin, pagbili ng mga ari-arian, at iba pang transaksyong pinansyal sa nasabing panahon.


Gumamit ang ahensya ng tinatawag na “expenditure method” upang matukoy ang posibleng kita ni Guo.


Sa kasalukuyan, nakakulong si Guo sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City mula pa noong Disyembre 2025 matapos siyang mahatulang guilty sa kasong qualified human trafficking.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page