top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

P19.5 M budget ng PAO, gustong ilipat sa PNP at NBI…

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 10, 2020
2 min read

ATTY. ACOSTA, NAGPASAKLOLO SA KONGRESO AT SENADO

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 10, 2020




Twenty years nang nanunungkulan sa PAO (Public Attorney's Office) si Atty. Persida Rueda Acosta. Milyon na ang kliyenteng natulungan ng kanilang opisina. Ramdam na ramdam niya ang kalagayan ng mga taong humihingi ng tulong at legal advice.


Kaya kahit na anong pilit sa kanya ng ilang sector na iwan na ang PAO at pumasok sa pulitika dahil sa angkin niyang talino, tapang at karisma, hindi maiwan-iwan ni PAO Chief Acosta ang kanyang puwesto na kanyang minahal at nakasanayan.


Mas kailangan daw siya ng maraming maralitang humihingi ng hustisya at pagtatanggol sa kanilang kaso. Kaya masakit sa loob ng PAO chief kapag pinag-iinitan ng ilang pulitiko at pribadong grupo ang kanyang ahensiya.


Katulad na lang ng ginawang insertion nina Sen. Franklin Drilon at Sen. Sonny Angara sa 2021 budget. Nag-propose sila na alisin na ang budget ng Forensic Laboratory ng PAO at ang P19.5 milyong budget nito ay ibigay na lang sa NBI, tutal naman ay pareho lang daw ang ginagawa ng dalawang nabanggit na sangay.


Kapag ito ay nangyari, mabubuwag na ang PAO Forensic Laboratory Division at maraming doktor, nurses at med tech ang mawawalan ng trabaho. Sila ay mga qualified na board passers at may civil service eligibility. Labag sa batas na basta na lang sila alisin sa puwesto!


Paano na ang 13 M kliyente ng PAO na umaasa na matutulungan sa kanilang kaso?


Kaya naman, nananawagan si Atty. Persida sa mga senador at kongresista na tulungan sila upang huwag maalis ang PAO Forensic Laboratory.


Nagpapaabot din ng pasasalamat si Atty. Acosta kay Sen. Bong Go na sumuporta sa ipinaglalaban ng PAO para sa mga Dengvaxia patients na nasawi. Malaki rin ang pasasalamat ng PAO kina Sen. Tito Sotto at Sec. Salvador Panelo, ganu'n din kina Cong. Joey Salceda, Cong. Mikey Arroyo, Cong. Lito Atienza, Cong. Alvarado atbp..


Nananawagan din ang libu-libong natulungan ng PAO kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang ginawang insertion sa 2021 budget na nag-aalis ng budget sa pondo ng PAO Forensic Laboratory.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page