top of page
TALKIES - BIMBY, GUSTONG MAG-ASAWA NANG MAAGA PARA MAIHATID NINA KRIS AT BOY SA ALTAR_FB B

P17.65M puslit na yosi, nasamsam

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

by Mai Ancheta @News | November 1, 2026



Ilegal na yosi nasabat sa Zamboanga - Circulated Maxfm Zambo

Photo: Circulated / Maxfm Zambo



Nasamsam ng pulisya ang P17.65 milyong halaga ng hinihinalang puslit na sigarilyo sa magkahiwalay na operasyon sa Zamboanga Peninsula noong Oktubre 28.


Ayon kay Police Lt. Col. Shellamie Chang, nasabat ang 102 master cases ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P15.71 milyon mula sa isang Isuzu Elf van sa Zamboanga City. 


Nasa kustodiya ng pulisya ang driver na nahaharap sa posibleng paglabag sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.


Samantala, kusang isinuko ng crew ng isang bus sa Kalawit, Zamboanga del Norte ang mga kahina-hinalang bagahe na naglalaman ng 500 reams ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.93 milyon.


Nasa kustodiya ng pulisya ang mga nakumpiskang sigarilyo bago ang turnover sa Bureau of Customs (BOC).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page