P162M drugs, buking sa yate sa Subic
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
by Jeff Tumbado @News | September 4, 2026

Photo: Ang nasabat na mga high-grade marijuana o kush habang iniimbentaryo ng Customs Subic at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos masabat mula sa isang foreign sailing yacht sa Subic Bay Yacht Club (SBYC) sa SBMA. (Jeff Tumbado)
Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit P162 milyong halaga ng high-grade marijuana mula sa isang foreign sailing yacht na sumilong pansamantala sa Subic Bay Yacht Club (SBYC) sa Subic Bay Freeport Zone dahil sa sama ng panahon.
Ayon sa report ng Bureau of Customs-Port of Subic (BOC-POS), gabi ng Miyerkules, September 2, nang puntahan ang naturang sea vessel ng Customs at SBMA police matapos makatanggap ng tip na may yate na nakisilong sa pantalan ng SBYC at humiling ng pagkukumpuni.
Agad rumesponde ang pulisya kung saan sa inspeksiyon sa yate ay dito tumambad ang nasa 80 piraso ng itim na plastic na naglalaman ng high-grade marijuana o kush.
Kasabay nito ang pagkakaaresto sa isang Thailander at isang Malaysian, na galing sa Kota Kinabalu, Malaysia at naglalayag pa-Taiwan.





Comments