top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

P15B Calamity Fund, bantayan laban sa mga ‘buwaya’

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 13, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | July 13, 2023


Makakakuha pa rin ang gobyerno ng halos P15 bilyon na calamity fund para matustusan ang iba’t ibang disaster relief operations para sa ikalawang semestre ng taon.


Ang datos mula sa Department of Budget and Management (DBM) ay nagpapakita na ang gobyerno ay nag-tap sa national disaster risk reduction and management fund (NDRRMF), na kilala sa tawag na calamity fund, noong nakaraang buwan, na naglabas ng nasa P3.53 bilyon.


Ang halaga ng kabuuang calamity fund na inilabas para sa unang kalahati ng 2023 ay umabot sa P8.44 bilyon.


Ibig sabihin, ang natitirang calamity fund ay nasa P14.77 bilyon, na magagamit ng gobyerno para sa iba’t ibang disaster relief operations hanggang sa katapusan ng taon.

Bilang naaprubahan sa ilalim ng 2023 budget, ang kabuuang alokasyon para sa taon ay P23.21 bilyon.


Isinasaad ng batas na ang mga first-response agencies ay inilalaan ng mga quick response funds (QRFs) sa kanilang taunang badyet.


Kapag ang QRF ng anumang ahensya ay umabot sa 50% o mas mababa, maaari itong humiling ng muling pagdadagdag mula sa DBM.


Ginagamit ang QRF para sa reconstruction, rehabilitation o repair ng mga nasirang kalsada, tulay, gusali, atbp, pagkatapos ng bawat kalamidad.


Ginagamit din ito para magbigay ng agarang tulong sa mga apektadong Pilipino sa ilang lugar.


Gayunman, ang calamity fund ay angkop na gamitin sa pagpapatayo at rehabilitasyon ng iba’t ibang imprastraktura na naapektuhan ng mga bagyo at iba pang kalamidad.


Sa totoo lang, ‘di tayo nakasisiguro kung maayos bang nagagamit ang calamity fund, dahil tuwing may kalamidad ay hindi natin nararamdaman ang tulong.


Sa laki ng pondong ito, tila may mga buwaya na namang makikinabang at mapagsasamantalahan ito. Sana lang ay gawin itong prayoridad ng gobyerno para sa oras ng kagipitan o kalamidad ay may magamit tayo.


Ipakita sana nila na may malasakit sila sa taumbayan at ‘wag abusuhin ang pondong inilaan sa mga taong nangangailangan.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page