P150K ayuda sa pamilya ng nasawi sa Tacloban shooting
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 2, 2026

Photo:Bongbong Marcos - FB
Magkakaloob si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng tulong pinansyal sa mga pamilya ng mga biktima ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, tatanggap ng tig-P150,000 ang pamilya ng tatlong estudyanteng nasawi, habang tig-P50,000 naman ang ipagkakaloob sa 18 sugatang biktima.
Bukod ito sa naunang ayuda na ibinigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Education (DepEd).





Comments