P150-M shabu sa plastic ng tsaa, nasabat sa Cebu

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 21, 2020

Nasabat sa drug bust operation ang tinatayang aabot sa P150 million shabu o crystal meth sa hinihinalang big-time narcotic distributor sa Lapu-Lapu City, Mactan Island nitong Miyerkules.
Inaresto ang hinihinalang big-time drug dealer na si Gilbert Lumanog sa isinagawang drug bust ng Central Visayas police at National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ayon kay Director of the Central Visayas Police Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro, si Lumanog ay miyembro ng drug syndicate na nag-o-operate sa Cebu at Metro Manila.
Kasama rin umano si Lumanog sa “priority high-value targets” ng awtoridad sa Central Visayas. Aniya, aabot sa 22 kilos ng shabu na nakalagay sa tea plastic bags ang nakumpiska mula kay Lumanog.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Central Visayas Police Office si Lumanog at sasampahan ng non-bailable case na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments