P12.5M pinsalang iniwanan ni ‘Inday sa agri, ‘wag balewalain
- BULGAR

- 18 hours ago
- 1 min read
by Info @Editorial | July 15, 2026

Umabot na sa mahigit P12.50 milyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa Bagyong Inday.
Bagama’t tila maliit kumpara sa pinsalang dulot ng mas malalakas na bagyo, mabigat ito para sa mga magsasakang nawalan ng pananim, puhunan, at inaasahang kita.
Kailangang agarang maihatid ng pamahalaan ang tulong pinansyal, binhi, abono, at iba pang suportang kailangan upang makapagsimula muli ang mga apektadong magsasaka.
Hindi dapat maantala sa ayuda, lalo na’t kabuhayan at suplay ng pagkain ang nakataya.
Muling ipinakita ng Bagyong Inday ang kahinaan ng sektor ng agrikultura sa harap ng matitinding panahon. Bukod sa agarang ayuda, kailangan ang pangmatagalang programa sa crop insurance, maayos na irigasyon, at climate-resilient farming upang hindi paulit-ulit na magsimula sa wala ang mga magsasaka matapos ang bawat kalamidad.



Comments