P115M smuggled goods, nasamsam sa bodega

ni Mervin Reyes @News | October 18, 2026

Photo: 115M smuggled goods - PNP-PIO
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC), sa tulong ng Philippine National Police (PNP), ang mga hinihinalang smuggled goods na nagkakahalaga ng P115 milyon sa isang bodega sa Pulilan, Bulacan, noong Oktubre 15.
Kabilang sa mga natagpuan ang mga webcam, solar panel, LED light, milk powder supplements, maleta at iba pang produkto.
Ayon sa mga awtoridad, walang agad naipakitang dokumento tungkol sa may-ari ng bodega at sa legal na pagmamay-ari ng mga produkto.
Pansamantalang isinara at sinelyuhan ng BOC ang bodega habang hinihintay ang pormal na imbentaryo at karagdagang imbestigasyon.





Comments