P11 dagdag-presyo sa diesel, P4 gasoline, P12 kerosene
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | July 18, 2026

Photo: File
Nagbabala ang Department of Energy (DOE) na posibleng magkaroon ng malaking taas-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa Strait of Hormuz.
Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, inaasahang tataas ng P3-P4 kada litro ang gasolina, P10-P11 kada litro ang diesel, at P11-P12 kada litro ang kerosene.
“Mukhang wala na itong pag-asang bumaligtad, talagang sigurado nang mayroon tayong aasahang increases, price adjustment next week,” ani Abad.
Sinabi rin niya na maaaring umabot sa P82 hanggang P85 kada litro ang presyo ng mga produktong petrolyo, habang ang iba ay posibleng pumalo sa P88 hanggang P90 kada litro.
Samantala, pinag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang panibagong fuel subsidy at posibleng fare increase.





Comments