Sako-sakong labi ng mga aso't pusa, itinapon sa creek

by BRT @News | November 5, 2026

Photo: Naka sako na mga labi ng aso at pusa sa creek sa Barangay Gaya-gaya, San Jose del Monte, Bulacan - Circulated
Panibagong insidente ng pagtatapon ng sako-sakong labi ng mga aso at pusa ang nadiskubre ng mga concerned citizen sa isang creek sa Barangay Gaya-gaya, San Jose del Monte, Bulacan.
Ayon sa mga residente, madilim ang lugar tuwing gabi kaya hindi napapansin kung sino ang nagtatapon ng mga labi ng hayop.
Nagdulot ng pangamba sa mga residente ang insidente dahil sa posibleng panganib nito sa kalinisan, kalusugan at kapaligiran.
Hindi pa matukoy kung sino ang responsable sa pagtatapon at kung saan nagmula ang mga labi ng hayop.





Comments