P10.5B budget ng OP, aprub agad sa Senado
Ni Angela Fernando @News | September 23, 2024

Photo: Lucas Bersamin/ContextPH
Mabilis na inaprubahan ng Senate Committee on Finance nitong Lunes ang inihirit na budget ng Office of the President (OP) para taong 2025.
Ipinresenta ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang panukalang budget ng opisina ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na nagkakahalaga ng P10,506,201,000 para sa susunod na taon, na mas mababa ng 1.88% kumpara sa budget para sa fiscal year 2024.
Naging agaran ang pagapruba sa budget ng komite bilang paggalang sa parliamentary courtesy na ibinibigay sa kapantay na sangay ng pamahalaan.
Binigyang-diin din ni Bersamin na ang kanilang presensya sa pagdinig ng Senado ukol sa budget ay nagpapakita ng paninindigan ng Pangulo na makipagtulungan nang malapit sa Senado upang isulong ang kanilang parehong layunin na itaguyod ang kapakanan ng mamamayan at ang pambansang interes ng 'Pinas.





Comments