top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P1,500 transpo-ayuda sa mga estudyante sa Public School

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 4, 2023
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | September 4, 2023


Good news para sa mga estudyante ng K-12 public school dahil makakatanggap sila ng P1,500 na transportation allowance sa susunod na linggo mula sa lokal na pamahalaan ng Pasig City.


Sa isang Facebook post, sinabi ni Mayor Vico Sotto na ang transportation allowance ay ipapamahagi mula Setyembre 6 hanggang Setyembre 15, 2023.


Mamimigay din ang pamahalaang lungsod ng mga school supplies sa kabila ng aniya, naging problema sa delivery nito.


Pahayag ni Sotto, hindi na muna niya idedetalye ang mga dahilan nito, pero masyado silang naging optimistic sa timeline at nagkulang sa buffer para sa mga aberya.


Aniya, kabilang sa mga factors sa pagkaantala ay ang disqualification ng isang supplier na nabigong magbigay ng tamang kalidad ng mga materyales.


Humingi naman ng paumanhin ang mayor sa pagka-delay dahil sa first time pa lamang nila ito at nangakong sa susunod na school year ay mas aagahan na nila ang timeline para sa distribusyon.


Ayon kay Sotto, alam niyang maraming gastusin kapag magpapasukan kaya sa pamamagitan ng nasabing cash allowance ay makabawi siya sa kanyang mga kababayan.


Malaking tulong sa mga estudyante sa public school ng naturang lungsod ang pagbibigay ng transpo-ayuda dahil sa kabawasan na ito sa magiging gastusin ng kanilang mga magulang para sa kanilang pag-aaral.


Marahil, sakaling magkaroon man sila ng mga project sa iskul na kailangang bilhin ay may extra na silang panggastos mula sa ibinigay na cash allowance.


Hiling lang natin na sana ay gayahin at isagawa na rin ito sa iba pang mga lokal na pamahalaan dahil talagang magbibigay kaginhawahan ito hindi lang sa mga estudyante kundi pati na rin sa mga magulang na kanilang nasasakupan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page