top of page
Search
  • BULGAR

P1.4B dagdag-pondo sa ‘Libreng Sakay’ program, oks na sa DBM

ni Lolet Abania | August 16, 2022



Inaprubahan na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) at ang Notice of Cash Allocation (NCA) na nagkakahalaga ng P1.4 billion, na gagamitin bilang karagdagang pondo na kakailanganin para sa pagpapalawig ng “Libreng Sakay” program.


“Ito pong paglagak natin ng additional funds ay suporta natin sa hangad ni President Marcos na i-extend ang programang Libreng Sakay ng Department of Transportation at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board hanggang Disyembre,” ani Pangandaman sa isang press release na inilabas ngayong Martes.


“Malaking tulong at ginhawa po ang Libreng Sakay sa bulsa ng mga commuter, lalo na para sa mga estudyante at mga kabilang sa labor force. This will support up to 50-million ridership from September 1 until December 31,” dagdag ni Pangandaman.


Batay sa DBM, nai-release na ang additional funds noong Agosto 9.


Ayon kay Pangandaman, sa paglabas ng karagdagang pondo para sa programa mabebenepisyuhan ang tinatayang 628 units ng onboarded public utility buses sa kahabaan ng EDSA Busway Route sa Metro Manila.



Matatandaan na iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-extend ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, gayundin ang free rides para sa mga estudyante sa mga rail lines sa Metro Manila.


Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang free EDSA Carousel bus rides ay pinalawig hanggang Disyembre ngayong taon.


Anang DOTr, “[the move would] ease the burden of rising living expenses on Filipino families and help them save money, especially with the return of face-to-face classes after more than two years.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page