Ipinadidiin ako at si ex-PDu30 — Bato... EX-PNP OFFICIALS, TINATAKOT NG ICC
- BULGAR
- 5 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | May 24, 2025
File Photo: Ronald Bato Dela Rosa - FB
Nais paimbestigahan ni reelected Senator Ronald 'Bato' dela Rosa ang sinasabing pananakot ng mga imbestigador mula sa International Criminal Court (ICC) sa mga retiradong pulis sa pagbubukas ng 20th Congress sa Hulyo.
Ibinunyag ni Dela Rosa na may nangyayaring misyon ang ICC sa isang hotel sa Pasay City kung saan pinipilit nila ang mga retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP) na pumirma sa affidavit na magbibitbit sa kanya at kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
“Magka-conduct kami ng hearing at ‘yung mga tao na involved d'yan, ‘yung mga Pilipino na mga taksil sa ating soberanya ay mananagot ‘yan,” ani Dela Rosa.
Ginawa ni Dela Rosa ang pagsisiwalat makaraang tanungin kaugnay sa sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na bukas siya sa pakikipagkasundo sa pamilya Duterte.
“Kung sinsero talaga siya sa kanyang sinasabi, ang unang-una niyang gawin is palayasin niya ‘yung mga ICC investigators na 'andiyan ngayon sa mga hotel d'yan sa Pasay na nananakot sa mga retired na mga pulis na pinipilit nila mag-sign ng affidavit na ididiin na kami ni Pangulong Duterte, otherwise, sila daw ang ididiin, ‘yung mga pulis na pinagtatawag nila,” patuloy ni Dela Rosa.
Bunsod nito, kinondena ng senador ang pananakot sa mga retiradong pulis.
Comentarios