ni Angela Fernando @News | May 27, 2024
Naglaan ang gobyerno ng higit sa P1.2-milyong halaga ng tulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng bagyong Aghon, ayon kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ngayong Lunes.
Sinabi ni Marcos sa ‘X’ na handa ang gobyerno na maglaan ng higit sa P3-bilyong standby funds, prepositioned goods at stockpiles, upang tiyakin ang mas malawak at mas mabilis na tulong na ibibigay sa mga naapektuhan.
“Asahan nating patuloy ang ating mga ahensya sa pagsuporta sa bawat komunidad at pagtiyak sa maayos na kalagayan ng ating mga mamamayan,” saad ni Marcos.
Matatandaang nagbabala rin nu'ng Linggo ang Presidente sa mga Pinoy na mag-ingat habang patuloy na umiikot ang bagyong Aghon sa bansa.
Comments