Natalo, rumesbak... 3 nakalaro sa basketball, pinagsasaksak

ni Mai Ancheta @News | October 27, 2026

Photo: File
Kamatayan sa halip na kasiyahan ang sinapit ng dalawang lalaki habang sugatan ang isang kasamahan matapos pagsasaksakin ng ilan sa mga nakalaro sa basketball sa Brgy. Lutac, Naga City, Cebu.
Kinilala ang mga nasawi na sina alyas Samuel at Niño habang ang sugatan ay kinilalang si Stephen.
Lumitaw sa imbestigasyon ng Naga City Police na nanalo ang team ng mga biktima na ikinagalit umano ng team ng suspek.
Pauwi na umano ang mga biktima nang abangan ng tatlong suspek at pinagsasaksak ang mga ito.
Agad namang naaresto ang mga suspek matapos isumbong sa awtoridad ng mga nakasaksi sa pananaksak.
Nakakulong na ngayon ang tatlong suspek sa pasilidad ng Naga City Police at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.





Comments