top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

P-Noy nag-iwan ng pondo, P-Du30 mag-iiwan ng utang, ngek!

BULGAR
May 23, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 23, 2022


P1 TRILYON INIWAN NI P-NOY SA GOV'T., GOOD NEWS 'YAN AT P13T IIWANG UTANG NI P-DU30 SA 'PINAS, BAD NEWS 'YAN – Good news nang bumaba sa puwesto si former Pres. Noynoy Aquino noong June 30, 2016 ay higit P1 trilyon ang natirang pondo ng kanyang administrasyon na iniwan nito sa Philippine gov't. na pinakinabangan ng mamamayan sa mga programang pangkalusugan, edukasyon, infrastructures, agriculture, foods at social services.


Bad news, sa June 30, 2022 ay bababa sa puwesto si P-Duterte na higit P13 trilyon naman ang iiwang utang sa Philippine gov't., at ang napakalaking utang na ito ay pagpaparte-partehan ng mamamayan na bayaran sa pamamagitan ng tax, saklap!


◘◘◘


PUWEDENG MAGING P20 PER KILO NG BIGAS, PERO MAGMAMAHALAN NAMAN PRESYO NG IBANG PANGUNAHING BILIHIN – Sabi ng mga ekonomista ay puwede raw mangyari ang ipinangako ni incoming Pres. Bongbong Marcos na maging P20 per kilo ang bigas, kaya lang para daw mangyari ito ay kailangang magkaroon ng taas-tax sa mamamayan.


Kung ganun, wala rin pa lang silbi kung maging P20 per kilo ng bigas, kasi nagmura nga ang per kilo ng bigas, pero tataas naman ang presyo ng ibang pangunahing bilihin dulot ng dagdag-tax sa mamamayan, tsk!


◘◘◘


PAG-STOP SA IMBESTIGASYON NG BIR SA MEGAWORLD UNFAIR SA ORDINARY CITIZENS NA NAGBABAYAD NG TAMANG TAX? – Bumuo na pala ang BIR (Bureau of Internal Revenue) ng "special audit task force" na mag-iimbestiga sa Megaworld na pag-aari ni business tycoon Andrew Tan tungkol sa umano'y pandaraya sa pagbabayad ng tax sa pamahalaan, pero hindi na ito itinuloy dahil pinigilan daw ni Finance Sec. Carlos Dominguez.


Dapat imbestigahan ng Senado at Kamara ang isyung 'yan, kasi unfair sa mga ordinary citizens na nagbabayad ng tamang tax ang diumano'y pagpigil ni Sec. Dominguez na imbestigahan ang sinasabing pandaraya sa tax ng Megaworld, period!


◘◘◘


PUWEDE NAMAN PA LANG TANGGALIN ANG 12% VAT SA KURYENTE, PERO BAKIT HINDI GINAGAWA NG DUTERTE GOV'T.? – Inirekomenda ni ERC (Energy Regulatory Board) Chairperson Agnes Devanadera sa incoming Marcos gov't. na alisin na ang 12% VAT (value-added tax) sa kuryente para raw bumaba na ang binabayarang konsumo sa kuryente ng mamamayan.


Ganun? Aba'y puwede naman pa lang tanggalin na ang 12% VAT sa kuryente, pero bakit hindi ito ginagawa ng Duterte gov't. at hinayaan pa sa matagal na panahon na magbayad ng pagkamahal-mahal na konsumo sa kuryente ang mamamayan, tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page