top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P-Duterte, dapat murahin ang mga nag-uudyok sa kanya ng rebolusyon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 24, 2020
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 24, 2020



BOLADAS LANG PALA ANG SINABI NI ROQUE NA SUPORTAHAN ANG LOKAL NA PPEs—Ipinagmalaki ni Presidential spokesman Harry Roque noong Agosto 14, 2020 ang mga gawang Pinoy na PPEs (Personahe Protective Equipments) na mas mainam daw na ito ang gamitin ng mga health workers kaysa sa imported na PPEs, ‘yun pala ay boladas lang sa publiko ang sinabi niyang ito.


Nabulgar kasi na hanggang ngayon ay sa China pa rin umaangkat ng PPEs ang Duterte gov’t., boom!

◘◘◘

BAD ANG NAIS NG MRRD-NECC NA MAGREBOLUSYON SI P-DUTERTE SA KANYANG GOBYERNO—Nananawagan kay P-Duterte ang kanyang mga tagasuporta na kasapi ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Committee Council (MRRD-NECC) na magdeklara na siya ng revolutionary gov’t. para maisulong na ang Federal gov’t..


Dapat murahin ni P-Duterte ang mga tagasuporta niyang ito kasi siya pa ang Pangulo ngayon, tapos sinusulsulan siyang magdeklara ng rebolusyon sa mismong gobyerno niya, mga buwisit!

◘◘◘

‘PINAS HINDI KASAMA SA 40 BANSANG SAFE SA VIRUS—Isinapubliko ng Deep Knowledge Group na nakabase sa United Kingdom ang 40 bansang ligtas sa COVID-19 at hindi nakasama rito ang Pilipinas.


Parang sinabi na rin ng Deep Knowledge Group sa mga tao sa mundo na kabilang ang Pilipinas sa iwasang puntahan para hindi mahawaan ng virus, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘

DAPAT MAGKAROON NG MABIGAT NA KASO SA MGA PASAWAY NA SABUNGERO—Nang magluwag sa paglabas ng tao ang gobyerno sa pagdeklara ng GCQ at MGCQ sa iba’t ibang lugar sa bansa, naglabasan na rin ang mga sabungero para magtupada at lumabag sa social distancing na maaaring maging sanhi para magkahawaan sila ng virus.


Marahil, dapat gumawa na ng batas ang Kongreso na magpapabigat ng kaso sa mga mahuhuling nagtutupada para matigil na ang pagiging pasaway ng mga sabungero sa panahon ng pandemya, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page