top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

P-Digong, naunahan si VP Leni na bumati kay Joe Biden, ayos din!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 9, 2020
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 9, 2020



Isa nang president-elect si Joe Biden.


“For-Biden” ang America!


◘◘◘


Hindi matanggap ni U.S. President Donald Trump ang pagkatalo.


As expected!


◘◘◘


Unang babaeng VP ng U.S. si Kamala Harris.


Ano kaya ang ipagdarasal niya araw-araw tungkol sa 77-anyos na si Biden?


◘◘◘


Binati agad ni P-Digong ang pagkakapanalo ni Joe Biden.


Play safe siya, naunahan niya si VP Leni!


◘◘◘


Sangkatutak na election protest ang isinupalpal ng mga abogado ni Trump laban sa president-elect.


‘Yan ang demokrasya na kinopya nila sa ‘Pinas!


◘◘◘


Sumingit pa ang Bagyong Tonyo sa Kabisayaan.


Hoy, mag-social distancing ka namang, bagyo ka!


◘◘◘


May panlaban na ang LP bilang sure winner sa Senado.


Siya ay si “Darna”!


◘◘◘


Pupuwersahin ng Washington na palayain si Sen. Leila de Lima.


Pustahan!


◘◘◘


Kapag hindi pinalaya si Sen. Leila, mangingilam ang U.S. sa Malakanyang.


Dito na masusubok ang tuhod ni P-Digong!


◘◘◘


May lihim na ulat na hindi susundin ang seniority sa pagpili ng bagong PNP chief.


Diyan na masisira ang kredibilidad ng appointing officer!


◘◘◘


Sa pag-upo ni Biden ngayong Enero, tiyak na higit pa sa COVID ang ipalalasap nito sa Pilipinas.


Magiging “Venezuela”sa Asia ang Lahing Kayumanggi!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page