top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

P-Digong, binanatan dahil sa prangkisa ng Dos…

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 11, 2021
3 min read

RESBAK NG DDS: ENCHONG, PURO INGAY LANG AT TODO-BABAD SA SOCMED!

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 11, 2021




Nakakaaliw na nakakabaliw ang sagutan ng Team Enchong Dee at Team DDS dahil sa naging tweet ng Kapamilya actor bilang sagot sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang speech nu'ng Lunes na hindi niya hahayaang makabalik sa operasyon ang ABS-CBN kahit bigyan pa ito ng prangkisa ng Kongreso hangga't hindi nagbabayad ng utang sa tax.


Banta ni P-Du30, “If you can say that they can operate kung may (franchise) na sila, no, I will not allow the NTC to grant them the permit to operate. Unless, in a deal, babayaran ng mga Lopez ang taxes nila, I will ignore your franchise and I will not give them the license to operate… kalokohan 'yan. Parang binigyan mo sila ng prize for committing criminal acts.”


Ang matapang na reaksiyon ni Enchong, “And'yan ka pa rin?? Hoy gising! Ang daming Pilipino naghihirap ngayon, 'yun muna unahin natin... kahit wala kaming franchise, nakakapagbigay-serbisyo kami.”


Siyempre, lumabas na naman ang mga mahilig sumawsaw kapag may mga ganitong isyu.


Sabi ng isang netizen, “Unsettled taxes naman pala, eh. Magreklamo kayo sa presidente ng ka-F for not doing his job right...”


Dagdag naman ng isa pa, “Tax evader nga 'yung network mo, Enchong, ang hirap mo naman umintindi.”


May nagsasabi namang pinagtitripan lang daw talaga ni P-Du30 ang Kapamilya Network.

“LUH, SA PANAHON LANG NI DUTZ BAWAL MAGREKLAMO, 'NOH?”


“Hoy Tatay Digzzzz, sa'n na po ang P15B ng PhilHealth? Eh, 'yung tax ng pogo??? Puwede rin po 'yun unahin kesa sa pagti-trip mo sa abs-cbn.”


Sabi rin ng isang netizen, personalan na kung tutuusin ang ginagawa ni Digong.


“The vindictive president. Personalan lagi.... just wondering, anyone regretting giving their vote to him?”


Na-trigger tuloy ang ilang netizens at kani-kanyang labas ng mga pagkadismaya nila sa pangulo.


“Me, baks, I regret voting that guy. Lahat ng pangako niya nu'ng election, isang malaking ECHOZZ!


“Ipaglalaban daw niya ang West Philippine Sea, haha, only to find out, bff sila nu'ng China, haha!


"No more drugs daw nang 6 months, haha, 'kakaloka, lalo pang lumala 'yung drugs sa BOC 'd iba CHANGESCAMMING PALA!”


“Nakakaloka ang new episode ng 'Walang Tulugan'. Imagine, ipapa-Ombudsman daw ni Digong ang isang private company? Hahahaha! Si Tatay talaga, panay joke. Proud na proud pa naman mga dds sa pagiging abogado mo. 'Tay, govt. officials lang po ang iniimbestigahan ng Ombudsman, hahahaha!"


Pagtatanggol naman kay P-Du30 ng isang supporter, “In P-Dutz administration, na-reveal ang corruption ng PhilHealth na since past two presidents pa pala. Tapos 'yung mga tax evasion ng oligarch (i.e. abs). You can call him anything but it's under his administration this open secret things were revealed. If your complain is what's happening to the covid crisis, ALL the presidents in the world were criticized because of the handling. He is not perfect but I'll choose him anytime than those born rich and eviler candidates."


Tapos, binanatan ng naturang DDS sina Enchong at Kakie Pangilinan na mahilig pumuna sa pangulo.


“Plus the likes of Enchong, Kakie, are nothing but noise with no essence. If you want to help, you do it, don't be babad to social media.”


Malayo naman sa isyu ang komento ng isang netizen.


“Hoy, Enchong, bakit ikaw, nasa ASAP ka pa rin? Ang tanda mo na, hanggang ngayon, dancer ka pa rin sa ASAP. Hindi ka na umasenso samantalang 'yung mga kapanabayan mo na sina Gerald (Anderson) at Rayver (Cruz), umasenso na. Starlet ka pa rin hanggang ngayon.”


May nagtanggol sa aktor, “FYI, part owner lang naman siya ng Peri-Peri and for sure, may iba pa 'yang business, 'noh! Hindi lang sa pagiging “starlet” niya siya kumukuha ng pangkabuhayan.”


So, 'yun na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page