top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

P-BBM, utang nang utang para sa Confi at Pork Barrel ng mga trapo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 29, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 29, 2023


SA LAKI NG BUDGET PARA SA YEAR 2024, TIYAK NAKAKALULA RIN ANG MAGIGING CONFIDENTIAL FUNDS NINA P-BBM, VP SARA AT PORK BARREL NG MGA SEN AT CONG. Isinumite na ni Sec. Amenah Pangandaman ng Dept. of Budget and Management (DBM) kay Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ang nakakalulang P5.768 trillion national budget para sa year 2024.


Dahil sa laki ng halagang ‘yan, asahan na rin ang nakakalulang confidential funds ang mapupunta kina P-BBM, Vice President and Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio at pork barrel funds para naman sa mga senador at kongresista, tsk!


◘◘◘


SA ‘PANGKABUHAYANG’ PORK BARREL NG MGA TRAPO NAPUPUNTA ANG ILANG BAHAGI NG INUUTANG NG ‘PINAS - Walang kakayahan ang Pilipinas na punan ang P5.768 trillion national budget para sa year 2024, at para mabuo ‘yan, tiyak ang halos kalahati ng national budget na ‘yan ay uutangin na naman ng Marcos admin sa mga financial institution sa mundo.


‘Yan ang kamakailan lang na ginawang pambabatikos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa gobyerno, na utang nang utang, tapos ang ilang bahagi ng inutang ay napupunta lang sa “pangkabuhayang” pork barrel ng mga trapo (traditional politicians), buset!


◘◘◘


SUNTOK SA BUWAN ANG IBINIDA NI P-BBM NA NEXT YEAR MAGIGING 2.9% NA LANG DAW ANG INFLATION RATE SA ‘PINAS -- Suntok sa buwan ang ibinida ni P-BBM na next year (2024) na magiging 2.9% na lang daw ang inflation rate, o presyo ng mga bilihin at bayarin sa ‘Pinas.


Imposible talagang mangyari ang ibinidang ‘yan ni P-BBM kasi bukod sa inilubog ni ex-P-Duterte sa utang ang Pilipinas, utang pa rin nang utang ang Marcos admin, at para kahit paano makapagbayad sa mga pinagkakautang financial institution sa mundo, ay kailangang pataasin ng gobyerno ang presyo ng mga bilihin at bayarin para makalikom ng malaking tax pambayad utang, boom!


◘◘◘


SUPALPAL ANG INABOT NI P-BBM KAY SEN. IMEE SA IBINIDANG FAKE NEWS NA MABABANG PRESYO NG BILIHIN - Sinupalpal ni Sen. Imee Marcos ang ibinida ng kanyang kapatid na si P-BBM sa State of the Nation Address (SONA) na napababa raw ng kanyang administrasyon ang presyo ng bigas, karne, isda, gulay at asukal.


Sabi kasi ni Sen. Imee, na kahit saang pamilihan, ubod pa rin ng mahal ang mga presyo ng mga pagkain, na ibig sabihin, ay fake news ang ibinida ni P-BBM na mababa na o mura na raw ang presyo ng bilihin sa ‘Pinas, period!


para sa Confi at Pork Barrel ng mga trapo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page