top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

P-BBM todo-pabida sa investment pledges, wala namang pumapasok na foreign investor, yabang pa more!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 21, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 21, 2023


MAHARLIKA INVESTMENT FUND PALPAK KASI ‘DI PA NAG-UUMPISA, LUGI NA AGAD ANG PHILIPPINE GOV’T. ? -- Matapos maglagak ang Land Bank of the Philippines (LBP) ng P50 billion sa Maharlika Investment Fund (MIF), ay nangangamba na ang gov’t. bank na ito na hindi nila masunod ang nakasaad sa batas na nag-oobliga sa tulad nilang government-owned and controlled corporation (GOCC) na mag-remit ng 50% na kita nila sa Philippine gov’t.


Para hindi na mangamba, ang ginawa ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ay gumawa ng executive order para ma-exempt ang LBP sa batas, na ibig sabihin ay hindi na pinagre-remit sa gobyerno ang bangkong ito patungkol sa kinita nila last year (2022).


Kita n’yo na mga kababayan kung gaano kapalpak ang Maharlika Investment Fund, eh hindi pa nag-uumpisa, lugi na agad ng P50 billion ang Philippine gov’t., buset!


◘◘◘


PANIGURADONG TULONG NA SANA SA MAHIHIRAP NA PINOY ANG P50B KITA NG LAND BANK, ISUSUGAL PA SA MAHARLIKA INVESTMENT FUND -- Ang P50B na kinita ng LBP last year na pandagdag tulong o ayuda na sana sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang sektor ng lipunan, ay ipinalagak ni P-BBM sa Maharlika Investment Fund bilang dagdag puhunan ng gov’t. investment fund na ito.


Mantakin n’yo, safe na safe na ang perang ito (P50B) pantulong o pang-ayuda ng gobyerno sa ating mga mahihirap na kababayan, eh kinuha para isugal ng Marcos admin sa investment na walang katiyakan kung kikita o hindi, kung makukurakot o hindi, pwe!

◘◘◘


MGA RAKET NA IPINATIGIL NI MAYOR MAGALONG, BALIK-OPERASYON NA NAMAN SA BAGUIO CITY -- Sugal na rin lang ang pinag-uusapan, manawagan naman tayo kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na ‘yung mga ipinatigil niyang mini-casino nina alyas "Patrick" at "Pol" at mga color games nina alyas "Nestor," "Toy Uy," "Andy," "Jim," "Edna" at "Ponso" sa Bgy. Kayang Hill Top, Bgy. Malcon Square, Bgy. R. Monument, Bgy. Magsaysay at Bgy. Dampa, ay balik na naman daw ang operasyon.


Sana, gawan ito ng aksyon ni Mayor Magalong na tuluyan nang mapa-stop dahil hindi magandang tingnan na habang papalapit ang Pasko, ay may mga nanraraket sa mga residente ng Baguio City, period!

◘◘◘


MULA SEPT. 2022 HANGGANG OCTOBER 2023, PANAY PABIDA SA MGA INVESTMENT PLEDGES, WALA NAMANG PUMAPASOK NA FOREIGN INVESTOR SA ‘PINAS -- Ibinida ng Marcos admin na P3.94 trillion daw ang investment pledges ng Saudi Arabia kay P-BBM.


Hay naku, pangako lang ‘yan, ibinida agad sa mga Pinoy para lang i-justify na may kabuluhan ang P1.4-B travel fund ni P-BBM kahit na ang katotohanan, mula nang umpisahan ni President Bongbong mag-around the world noong September 2022 hanggang ngayong October 2023, sa mga ibinibida ng Marcos admin na mga investment pledges, kahit isang foreign investor ay wala pang pumapasok para magnegosyo sa ‘Pinas, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page